Risa ‘di kuntento sa mass test ng DOH; Pagkilos vs. COVID-19, paigtingin pa

Risa ‘di kuntento sa mass test ng DOH; Pagkilos vs. COVID-19, paigtingin pa

April 20, 2020 @ 2:40 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inihirit ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na paigtingin ang mass testing bago palawigin o magkaroon ng modipikasyon sa  enhance community quarantine (ECQ).

 

 

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kailangan doblehin ng pamahalaan ang pagkilos nito patungo sa mass testing para sa coronavirus disease (COVID-19) bago ikonsidera ang anumang desisyon sa ECQ.

 

 

“Whether the enhanced community quarantine (ECQ) is extended or modified, we cannot proceed without devoting more efforts towards mass testing of Filipinos. Kung mabilis ang pagkalat ng COVID-19, dapat ay mas mabilis ang pagtest at paggamot natin sa ating mga kababayan,” giit ni Hontiveros.

 

 

“I hope the Department of Health (DOH) takes heed of the ever-growing calls of our health experts, advocates and local officials on the ground for urgent, free and widespread testing in our communities. Quarantines and social distancing, while important, are clearly only part of the solution. We can only end this pandemic if we identify, isolate and treat every person infected with COVID-19,” dagdag niya.

 

 

Isinagawa ni Hontiveros ang panawagan matapos matuklasan sa Valenzuela City at Sitio Zapatera, Cebu City na maraming indibiduwal ang positibo sa virus pero walang sintomas.

 

 

Dahil dito, nagsagawa sina Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at Pasig City Mayor Vico Sotto ng mass testing sa nasasakupan upang mapabuti ang pagkilos ng pamahalaan laban sa pandemic.

 

 

“Malinaw na hindi dapat limitado sa mga taong may malalang sintomas ng COVID-19 ang ginagawang testing ng pamahalaan para matigil ang pagkalat ng sakit na ito. Our testing protocols need to be updated to adapt to emerging realities on the ground, especially if the ECQ is extended to May. Our testing objectives must be expanded to service entire communities, frontliners, the elderly and immunocompromised persons,” aniya.

 

 

“Given what we now know, government should not be prevented from testing asymptomatic persons, since it is clear that even people without symptoms of COVID-19 can carry and spread the disease among their families and communities. We have to test as many people as we can, as soon as we can,” dagdag ng senador.

 

 

Umaasa si Hontiveros na maisasagawa ng pamahalaan ang plano nitong 10,000 tests kada araw sa pagtatapos ng Abril dahil ipinahayag ng DOH na nakakagawa sila ng 3,000 test kada araw simula noong Abril 14.

 

 

“Mass testing requires ramped up local production of testing kits and capacitated regional testing centers in the Visayas and Mindanao,” aniya.

 

 

Aniya, dapat din umanong palawakin ng pamahalaan ang testing capacity nito partikular ang mga regional testing centers na nagsisilbi sa mga pinaghihinalang COVID-19 cases sa labas ng Metro Manila.

 

 

“Now that more cases are being reported in the Visayas and Mindanao, we should prepare and anticipate the increased demand for tests,” paliwanag pa niya.

 

 

Pinatutukan din ni Hontiveros sa pamahalaan ang mga tao sa mga “disease hotspots” tulad ng kulungan, palengke at urban poor communities.

 

 

“Kapag nagkaroon ng kaso ng COVID-19 sa mga kulungan, palengke, masisikip at matataong lugar kung saan nakatira ang marami nating mahihirap na kababayan, mabilis ang pagkalat ng sakit dahil dikit-dikit ang mga tao. We should stop the disease at the onset by closing in on early cases so that they can be isolated and treated to prevent further transmission,” giit ng senador. Ernie Reyes

 


  •  
  •  
  •  

Loading...