Risa kay PBBM: Anti-online sexual abuse, exploitation of children bill, lagdaan

Risa kay PBBM: Anti-online sexual abuse, exploitation of children bill, lagdaan

July 15, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Risa Hontiveros kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lagdaan bilang batas ang panukalang magbibigay ng proteksiyon sa kabataan laban sa online sexual abuse at pagsasamantala.

Sa kanyang Twitter post, ikinabit ni Hontiveros ang screenshots ng ilang online content na nagpapakita ng komentong seksuwal na pang-aabuso sa kabataan.

“These horrifying photos tell us what we already knew: that an Anti-Online Sexual Abuse & Exploitation of Children Law is absolutely and urgently needed,” aniya.

“I call on the executive to sign the Anti-OSAEC law now. Our children need the full power & protection of this measure,” dagdag ng senador.

Ayon kay Hontiveros, mas maraming kabataan ang nasasadlak sa panganib hangga’t hindi nalalagdaan bilang batas ang Anti-OSAEC Bill.

Hiniling din ni Hontiveros sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group at National Bureau of Investigation na imbestigahan ang sinumang nasa likod ng social media pages at accounts na nagpapakita ng sexual abuse sa bata.

“Hindi lang dapat sila matanggal sa platforms, dapat ay mahuli din sila at managot sa batas,” aniya.

Nitong Mayo, parehong inihain sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukala laban sa online sexual abuse or exploitation of children at child sexual abuse o exploitation materials. Ernie Reyes