Risa malamig sa dagdag-EDCA sites ng US

Risa malamig sa dagdag-EDCA sites ng US

November 29, 2022 @ 9:54 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Risa Hontiveros nitong Lunes na mayroon siyang reserbasyon sa plano ng US na magtayo ng limang dagdag na military facilities sa Pilipinas sa ilalim ng kasunduan ng dalawang bansa, ang Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kahit pabor siya sa pagsasagawa ng joint military drills, pero aniya, magkaiba ang pagkakaroon ng karagdagang tropa ng Amerikano sa bansa.

“Kaya bukas ako sa ganyang mga joint military exercises sa karagatan especially as they show support for our country, for the Philippine Navy, for the Coast Guard pati para sa BFAR pero medyo ibang usapin yung magtatayo ng sites sila on our land at yun yung limang ibinalita nyo na nga kanina,” ani Hontiveros.

“Iba pa po yun at it also recalls what the president recently said though in relation to China in particular, in our mind, di nila susuko ni isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas,” dagdag ng senadora.

Umaasa naman si Hontiveros na magkakaroon ng independyente at interdependent foreign policy sa katulad na pananaw ng ibang bansa na tutulong upang resolbahan ang tensiyon at maiwasan ang pagbubukas ng sigalot sa South China Sea.

“I share these thoughts with you, in the context of my dream of an independent and interdependent foreign policy especially with ASEAN or like-minded countries in the ASEAN and then regional and global formation like the quad, na lahat with mutual respect for the Philippines will help us in resolving the tensions and preventing open conflict sa ating karagatan,” giit ni Hontiveros.

“Ayokong maiipit tayo sa pagpili sa dating colonial master at sa bagong gustong maging regional or global as it were, colonial master dito sa ating bansa,” dagdag ng senador. Ernie Reyes