Risa payag sa oil exploration, pumalag sa joint venture sa China sa WPS

Risa payag sa oil exploration, pumalag sa joint venture sa China sa WPS

October 18, 2020 @ 2:16 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kahit may maasahang mabuti sa ulat na inalis ni Pangulong Duterte ang moratorium sa oil exploration sa West Philippine Sea, inihayag ni Senador Risa Hontiveros na dapat din mag-ingat laban sa  ang  joint venture sa China.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na papayag lamang siya sa joint venture ng Pililipinas sa China kung susundin o ipatutupad ang desisyon ng Arbitration Court hinggil sa pagmamay-ari ng bansa sa kinamkam na isla.

Iginiit ni Hontiveros na puwedeng magsimula ang joint exploration kung kikilalanin at susundin ng China ang ruling noong 2016 ng   Permanent Arbitration Court nan kumikilala sa ekslusibong sovereign rights hinggil sa   Exclusive Economic Zone (EEZ) sa WPS.

“Hangga’t hindi kinikilala ng Tsina ang ating tagumpay sa Hague ruling, walang negotiation on joint exploration ang magiging produktibo. Sa ngayon, dapat patuloy nating igiit na ang Pilipinas lamang ang maaring magsagawa ng exploration sa ating EEZ. The requirements of the Constitution should be met and our sovereign ownership over the resources in our continental shelf must be recognized. Mayaman sa oil at gas reserves ang West Philippine Sea, kaya pilit itong inaagaw,” ayon sa senador.

Kilala ang WPS bilang “second Persian Gulf” na may mahigit 130 bilyong bariles ng langis na sinasabi ng ilang eksperto na sumunod ito sa Saudi Arabia sa yaman ng oil reserves.

Inihayag din ni retiradong   Senior Associate Justice Antonio Carpio sa kanayangs e-book “South China Sea Dispute” na naglalaman ng WPS ng methanol na maaaring gatungan ang ekonomiya ng China sa loob ng 130 taon.

“We must not easily grant China access to our seas, not only because of her rejection of the 2016 ruling but also because we need to safeguard money and resources that can get us through this pandemic. Unahin naman natin ang sariling kapakanan ng Pilipinas,” ayon sa senador.

Nauna nang inihayag ni  Energy Secretary Alfonso Cusi na isinagawa ang pag-alis ng   moratorium “in good faith” na konsiderasyon sa negosasyon  sa pagitan ng Pilipinas at China.

Pero, sinabi ni Hontiveros na dapat panatilihin ng Pilipinas ang exclusive sovereign rights sa EEZ ng Pilipinas.

 “Any admissions and concessions made during negotiations with China would weaken our position in the WPS. We’ve already won legally and diplomatically, and if the government itself cannot stand by this victory, China will only use this against us,” paliwanag ng senador.

“Lulugmok sa kahirapan ang napakaraming Pilipino dahil sa pandemya. Ang mga natitirang yaman natin, tulad nitong sa WPS, ay iilan lang sa nagbibigay sa atin ng pag-asa na may mapagkukunan pa tayo ng anumang halaga. Let’s protect what is ours, not give it away,” dagdag ni Hontiveros. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...