Risa sa DOJ: Yang ipatapon na sa labas ng Pinas

Risa sa DOJ: Yang ipatapon na sa labas ng Pinas

February 8, 2022 @ 9:10 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hinihimok ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Justice na ipatapon an sa labas ng bansa si ex-presidential adviser Michael Yang dahil sa umano’y pag-iwas sa pagbabayad ng buwis at sa sinasbaing kaugnayan sa diumano’y maanomalyang Pharmally pandemic deals.

Matatandaang si Yang ay kabilang sa mga indibidwal na pinakakasuhan ng Senate Blue Ribbon Committee sa paglabag sa Plunder Law at Anti-Graft and Corrupt Practices Act ukol sa pandemic supplies.

Giit ni Hontiveros na hindi ‘undesirable alien’ si Yang dahil hindi siya nagbabayad ng buwis, batay sa pagsisiyasat ng Blue Ribbon Committee sa isyu.

“Nag-facilitate sila ng mga illegal na nagpapadala sa overpriced pandemic supplies alang-alang sa isang bago at undercapitalized na dayuhang kompanya, sa pinsala pa ng mga Pilipinong kompanya na may track record, may kapasidad, nag-o-offer ng dekalidad na produkto , at mas mura pa,” giit pa ng senadora.

Nauna nang itinanggi ni Yang ang aktibong pakikilahok sa nasabing transaksyon sa pagitan ng Pharmally at ng Department of Budget and Management-Procurement Service, at sinabi niyang ipinakilala lang niya ang “mga kaibigan” sa mga executive ng Pharmally upang tumulong sa pandemic supply deal. RNT