Rishi Sunak sigurado nang susunod na UK Prime Minister

Rishi Sunak sigurado nang susunod na UK Prime Minister

October 25, 2022 @ 10:11 AM 1 month ago


BRITAIN – Nakatakda na bilang susunod na Prime Minister ng United Kingdom ang dating finance minister Rishi Sunak matapos na mag-concede si Penny Mordaunt, ang kanyang nag-iisang natitirang karibal para maging Conservative party leader noong Lunes.

Ilang sandali bago ipahayag ang bilang ng mga nominasyon, ipinangako ni Mordaunt ang kanyang buong suporta kay Sunak.

Si Sunak ang magiging unang person of color, at unang Hindu na mamumuno sa UK sa edad na 42, na siya ring magiging pinakabata na manunungkulan sa nakalipas na 200 taon.

Matatandaan nauna nang nagbitiw si Liz Truss sa pagka-punong ministro, na siya namang pinakamaikling panunungkulan sa kasaysayan sa UK sa loob lamang ng anim na linggo.

Magiging opisyal ang panunungkulan ni Sunak kapag opisyal na siyang italaga ni King Charles III.

Opisyal na idineklara ni Sunak na tatayo siya sa Linggo pagkatapos makuha ang suporta ng 100 Conservative na mambabatas, ang kinakailangang threshold na itinakda ng mga opisyal ng partido. Noong Lunes ay nakuha na niya ang suporta ng higit sa kalahati ng 357 MP ng partido. RNT