Rita at Ken, magpapakilig sa Kapuso!

Rita at Ken, magpapakilig sa Kapuso!

July 8, 2021 @ 5:12 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Bibida ngayong Sabado ang mga “K” sa Sarap ‘Di Ba?!

Kilig. Makisaya sa kilig moments ng Pambansang Couple na sina Rita Daniela at Ken Chan as they play a game of spoon flipping with Mavy Legaspi.

Kumustahan. Alamin kung ano’ng pakiramdam nina Rita at Ken that their afternoon prime show Ang Dalawang Ikaw is rating well.

Korean dish. May craving ba kayo for K food? Puwes, get ready with your notes para matutunang lutuin ang isang espesyal na Korean beef stew.

Kaalaman. With Cassy’s guest popular Korean personality Dasuri Choi, kumuha ng crash course on Korean language and culture. Relate siyempre dito ang mga tagasubaybay ng K drama!

Kuwentuhan at kudaan. Hindi siyempre mawawala ang masayang kulitan at tsikahan about just as anything interesting.

Wait, there’s more dahil isa na namang masuwerteng viewer ang magiging P5k richer!

Kaya K as in Kitakits this Saturday, mga Kapuso! Ronnie Carrasco III