Rita Avila, nairita kay Boy Abunda!

Rita Avila, nairita kay Boy Abunda!

January 27, 2022 @ 8:10 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi napigilan ni Rita Avila na i-voice out ang naramdaman niya sa naging interview ni Vice President at Presidential candidate Leni Robredo sa The Boy Abunda Talk Channel.

Sa Instagram post ng aktres, makikitang na-mention pa nito ang host.

“Mr. Boy Abunda, I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni. You keep on cutting her and you act like you are against what she is saying.

“Mas respectful and decent ka kina Sen. Ping and BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this,”  bahagi ng caption ni Avila na may screenshot pa ng interview ni VP Leni with link.

Hindi ito ang unang post ni Rita about politics. Kung titingnan, sunod-sunod ito at currently, trending ang mga binitawang opinion niya sa iba’t-ibang social media platforms.

Maraming sumang-ayon, mayroong bumatikos, at may ilang pinersonal pa ito at sinabihang walang “K” na magsalita tungkol sa politika.

Naka-turn off na ngayon ang comments section sa lahat ng post ni Rita about politics pero laman pa rin siya ng mga usapan sa ilang platforms kagaya ng Facebook at Twitter kung saan nag-trending ang mensahe nito kay Abunda.

Hindi lang si Rita ang nagbahagi ng parehong sentiments tungkol sa interview ni VP Leni.

Bukod sa mga kilalang personalities, kaliwa’t kanang bashing din ang natatanggap ng talk show host mula sa netizens.

As of press time, wala pang pahayag si Boy tungkol dito. Paula Jonabelle Ignacio