Rita, ipinagmalaking mana kay Robredo!

Rita, ipinagmalaking mana kay Robredo!

March 9, 2023 @ 3:05 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Mag-iisang taon na mula nang idaos ang botohan sa pagka-pangulo, pero wari’y may hangover pa si Rita Avila.

Hindi ikinakaila ng aktres na si dating Vice President Leni Robredo ang minanok niya.

At sa bawat kilos niya’y pilit isinasabuhay ni Rita ang mga aral na iniwan ni Robredo kahit hindi ito pinalad sa minimithing posisyon.

Ibinahagi kasi ni Rita ang kanyang recent airport experience na umani ng mga papuri sa mga netizens.

Aniya, nasa pila raw siya nang mapansin at mamukhaan siya ng isang airport personnel.

Pilit daw siyang pinaaalis sa pila para lumipat sa uunahan.

Pero tumanggi raw si Rita.

Katwiran niya, ang pagiging law-abiding o disiplinado ng isang Pilipino ang makakatulong sa pag-ahon ng bansa.

Naninindigan ang aktres na maipakikita natin ang ating pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng disiplina, pagiging malinis sa ating kapaligiran at pagsunod sa mga alituntunin.

Huwag daw tayong pasaway lalo na sa mga pila na singitan nang singitan.

“Nakakahiya!” sabi ni Rita.

Sa bandang huli’y ipinagmalaki niya ang kanyang sarili, “Mana ako kay Robredo!”

But don’t get the actress wrong.

Nilinaw niyang dapat tayong makipagtulungan sa mga lider ng bansa kung ang hangad natin ay pag-unlad.

Without dropping names, kabilang dito si Pangulong Bongbong Marcos na tumalo kay Robredo. Ronnie Carrasco III