Rita Martinez, hindi gagaya kay Jake Zyrus!

Rita Martinez, hindi gagaya kay Jake Zyrus!

January 22, 2022 @ 9:49 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Mukhang lalake at ayos-lalake ang lesbian na si Rita Martinez na “leading man” ni Rhen Escaño sa latest serye ng Vivamax na ang misteryosong titulo ay “Lulu.”

Gayunpaman, ipinahayag n’ya kamakailan sa showbiz press na wala siyang balak na ipaalis ang boobs n’ya at uminom o magpaturok ng hormones ng lalake na gaya ng ginawa ni Charice Pempengco na kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus.

Pasubali ni Rita sa virtual press conference para sa “Lulu: “Just to be clear, I respect the people like Jake Zyruz. Nirerespeto ko ‘yung kanilang naging desisyon na gawin ‘yun. I guess, mas masaya sila, nahanap nila talaga ‘yung happiness.

“Very happy naman po ako sa aking biological stand. ‘Yun lang naman po talaga, it’s my only preference, but I’m not really changing anything in my body.”

Malamang ay pamilyar ang pangalan ni Rita sa LGBTQA community. Sumali siya sa The Voice Philippines noong 2014 at naging finalist. Noon pa man ay hindi inilihim ni Rita ang sexual orientation n’ya.

Ang serye ay sa direksyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo na sumikat nang husto dahil naging megahit ang pelikula n’yang “Kita Kita” na nagtampok kina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Ayon kay Direk Sigrid, “‘Lulu’ is not heavy drama that is usually associated with lesbian love stories. It is actually a romantic comedy.

“I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary. And it will come naturally. Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community.”  Danny Vibas