Rita, may impostor sa FB, nagbabala!

Rita, may impostor sa FB, nagbabala!

December 19, 2022 @ 9:08 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sari-sari talaga ang mga schemes na ginagamit ng mga manloloko!

Hindi rito ligtas si Rita Daniela, ang dating screen partner ni Ken Chan.

Pansamantalang inactive man sa showbiz to give way to motherhood ay “sikat” naman siya sa social media.

Ito’y sa pamamagitan ng isang taong nagpapanggap bilang siya sa Facebook.

To make it more believable, may kasama pang litrato ang natuklasang unauthorized social media page.

Ang siste, para makapangbiktima ng mga netizens, kunwari’y nanghihingi ng tulong si “Rita.”

Matik na pag tulong nga naman ang pag-uusapan, hindi ito moral help kundi may kinalaman sa pera.

Nakarating na sa kaalaman ng totoong Rita ang alingasngas na ito.

Hence, ang panawagan ng Kapuso actress na huwag i-entertain ang FB page na ‘yon let alone tumugon sa hinihinging tulong.

Nakahanap naman ng mga kakamping netizens ang aktres na nangakong tutulong upang matukoy ang nasa likod ng panamantalang ito sa kapwa.

Nababahala naman ang ibang netizens sa laging palusot ng mga natitimbog.

Lagi kasing ikinakatwiran nito na wala naman silang nilalabag na community standards na itinakda ng FB, kaya bakit kailangang pag- initan ang kanilang page?

Gayunpaman, simple at diretso lang ang depensa ng mga neizens: scammers are scammers, period! Ronnie Carrasco III