Rita, posibleng baby girl ang pinagbubuntis

Rita, posibleng baby girl ang pinagbubuntis

June 27, 2022 @ 8:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kapaniwalaan na kapag magandang magbuntis ang isang babae, tiyak na babae rin ang sanggol na isisilang niya.

Ito ang malakas na kutob ng marami ngayong isiniwalat na ni Rita Daniela na nasa kagampanan siya ngayon.

Inanunsyo niya ito sa segment na Queendom ng All out Sundays nitong June 26, Linggo.

Life-changing daw ang bagong kabanatang ito sa kanyang buhay.

No, hindi ang kalabtim niyang si Ken Chan ang ama ng sanggol na dinadala ni Rita.

Isang non-showbiz guy ito na hindi na in- elaborate pa ng aktres.

Basta looking forward siya sa pagiging ina.

Nagpapasalamat siya sa GMA dahil sa kabila ng kanyang kalagayan ay patuloy ang suporta ng network sa kanya at sa kanyang pinagdaanan.

Paglilinaw ni Rita, wala siyang balak ilihim ang kanyang pagbubuntis.

Humanap lang daw siya ng tamang tiyempo para isapubliko ito.

Sabi nga ng marami, pregnancy becomes her dahil maganda niyang dalhin ang kanyang pagbubuntis.

Inaabangan naman ng kanyang mga fans kung sino ang non-showbiz boyfriend niya who got her pregnant. Ronnie Carrasco III