RITM bubusisiin kung may bagong COVID variant sa Davao City patients

RITM bubusisiin kung may bagong COVID variant sa Davao City patients

January 13, 2021 @ 7:24 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bubusisiin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kung mayroon nang carrier ng bagong uri ng COVID sa mga pasyente sa Davao.

Iniulat ni Davao City Health COVID-19 Focal Person Dr. Ashley Lopez na magsusumite sila ng mga specimen sa RITM sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng virus sa lugar.

Sinabi naman ni Lopez said National Task Force (NTF) Covid-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa local government na magsumite ng samples makaraang makita ang pagtaas ng COVID sa siyudad.

 “Through the genomic test, we will know whether the new COVID variant has entered the city or not. We only have one facility that can do the genomic testing to know if the strain is a variant or the ‘original ancestral’ virus,” ani Lopez.

Sinabi ni Lopez na nakapasok na sa Sabah, Malaysia ang nasabing bagong virus.

“They are trying all they can to regulate the entries of people to Davao City, most especially those who are not from here,” lahad ni Lopez. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...