RITM ‘di bubuwagin – DOH

RITM ‘di bubuwagin – DOH

November 25, 2022 @ 7:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sakaling malagdaan bilang batas ang panukalan na bubuo sa Center for Disease Control ng bansa, sinabi ng Department of Health na hindi aalisin ang Research Institute for Tropical Medicine.

Pagtitiyak ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa mga tauhan ng RITM na ito ay hindi bubuwagin at sila ay maaabsorb ng CDC.

Sinabi ni Vergeire, higit pang palalaksin ang helath research facility sa pamamagitan ng pagpapasakop ng RITM sa CDC dahil sa mas maraming pondo, suporta at maraming eksperto.

Dagdag pa, sumulat na rin aniya noong Nobyembre 12 ang RITM sa DOH at mambabatas na nangako ng buong suporta para sa pagtatatag ng CDC.

Pagtitiyak ni Vergeire sa mga tauhan ng RITM na walang mawawalan ng trabaho at walang katotohanan ang alegasyon na mayroong mga hindi matatanggap o maaabsorb dito.

Nauna nang nagsagawa ng protesta ang mga health workers sa posibleng pagbuwag ng RITM dahil sa paglikha ng CDC. Jocelyn Tabangcura-Domenden