Riverdale vibes Café? Tara G! Sa Big Boy’s Diner!

Riverdale vibes Café? Tara G! Sa Big Boy’s Diner!

August 3, 2018 @ 4:44 PM 5 years ago


Quezon City – ‘Di ka ba maka-get over sa neon lights? Sa Vintage Ambiance? Sagot ka na ng Big Boy’s Diner.

Sa menu nitong “The Breakfast Club”, patok ang Chicken & Waffles (P220) at American Breakfast (P220). Kung panlasang Pinoy naman ang hanap mo, best seller nito ang Tapa Breakfast, Longganisa Breakfast at Arlyn’s Daing na bangus na mabibili sa halagang P99.

Chicken ba ang hilig mo? Sa halagang P220 matitikman mo na ang best seller nilang Signatured Buffalo Wings, In Quezo Emergency, Eat Me sa halagang P140 at Love Me Tender (Chicken) sa presyong P150.

Kung tinapay naman ang usapan, hindi papahuli ang Big Boy’s Burger (P200) at 4-Cheese Burger (P180) kung sa sandwiches naman ay mayroon itong Philly Cheese Steak (P200), Chicken Sandwich (P180) at ang sikat nilang That’s What Cheese Said (P140).

Syempre hindi mawawala ang pamares na side dish tulad ng Macho Nachos (P140), This Is Mine Nachos (P100) at ang patok nitong Onion Rings (P80).

Available din dito ang milkshakes tulad ng Vanilla (P140), Chocolate (P150), Unicorn (P150) Strawberry (P160) at ang best seller na Wake Up Little Sussie (P200).

Anong pang hinihintay mo? Tara G! At mag ala-Riverdale stars sa Big Boy’s Diner! (Remate News Team / Gwyneth Dennisse Cura)