Rizal nanguna sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 – DOH

Rizal nanguna sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 – DOH

October 18, 2020 @ 4:28 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nangunguna na ang lalawigan ng Rizal sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mula sa 2,673 bagong kaso, ang Rizal ay nakapagtala ng 185 habang 175 ang Cavite at 159 naman sa Batangas.

Sa Metro Manila naman ay tanging ang Quezon City ang napasama sa Top 5 na may naitatalang maraming bilang ng kaso na may 153 na sinundan ng Bulacan na mayroong 143 bagong kaso.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mga bilang na ito ay kasunod ng ginawang pagrebisa sa reporting system matapos luwagan ang quarantine restrictions sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

Sa bagong datos, nabatid na mahigit 54,000 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 52,423,  aktibong kaso.

Kabilang dito ang 84.7 porsyento na mild cases, 11 porsyento ang asymptomatic, 1.5 porsyento ang severe at 2.9 porsyento ang kritikal.

May kabuuang 295,312 ang nakarekober sa COVID-19  at  6,603 naman ang kabuuang nasawi.

Payo ng DOH sa publiko, panatilihin maging maingat at sumunod sa mahigpit na health protocol bagama’t nakikitaan na ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa upang sa gayun ay maiwasan ang muling paglobo o pagsirit muli ng COVID-19 cases sa bansa.
Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...