Roach hanga kay Marcial; gold sa Olympics, makukuha

Roach hanga kay Marcial; gold sa Olympics, makukuha

October 29, 2020 @ 11:40 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

LOS ANGELES – Kumpiyansa si Hall of Fame trainer Freddie Roach na masusungkit ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang inaasam nitong gintong medalya sa Olympics.

Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marcial upang hasain ang kanyang boxing talent sa ilalim ni Roach para sa paparating nitong professional debut fight at sa pagsabak nito sa 2021 Olympics.

“Eumir hits really hard. He’s a very slick southpaw,” ani Roach.

“He’s a pleasure to train. He has a good work ethic, he works his tail off and he soaks in everything he is taught.”

Matatandaang naibulsa ni Marcial ang silver medal sa 2019 AIBA world boxing championship at naging three-time gold medalist sa Southeast Asian Games.

Kamakailan ay sumakabilang buhay ang kapatid ni Marcial pero mas pinili nitong manatili sa US upang ipagpatuloy ang kanyang training na tinawag ni Roach na isang dedikasyon ng isang Pinoy sa larangan ng boksing.

“Just a few days into camp, his brother passed away and he decided to stay in camp instead of going back to the Philippines for the funeral,” ani Roach.

“I know he was hurting inside but that showed me his dedication to being the best. He wants to bring back Olympic gold and a world title belt back to the Philippines. He loves his country so much. He’s a gem,” dagdag pa ni Roach. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...