Roach, nababahala sa shoulder injury ni Pacman

Roach, nababahala sa shoulder injury ni Pacman

July 14, 2018 @ 2:28 PM 5 years ago


Nag-aalala ang dating trainer at coach ni Senator Manny Pacquiao na si Coach Freddie Roach sa laban nito bukas kontra kay Argentine fighter Lucas Matthysse bukas.

Ito ay sa hindi pa umano magaling na injury nito sa balikat na natamo noong labanan niya kay Floyd Mayweather Jr. taong 2015.

“But Manny has a bad shoulder. The rehab on that shoulder was done by praying and swimming in the ocean,” ayon sa panayam ni Roach sa Los Angeles Times.

“That shoulder is still a dangerous thing, when you’re conditioning by putting pressure on the upper body,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, sinabi ni umaasa si Roach na mananalo ang boksingero.

“I think — and hope — that Manny wins.”

Samantala, ito ang unang pagkakataon na hindi makakasama ni Pacquiao si Roach matapos ng 16 na taon nitong trainer.

Ang childhood friend ni Pacman na si Buboy Fernandez na kasi ang tumayong head coach matapos na hindi isali ng fighting senator si Roach. (Remate News Team)