Road alert: 14 NCR intersection repairs kasado sa long weekend

Road alert: 14 NCR intersection repairs kasado sa long weekend

August 27, 2022 @ 9:37 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – May kabuuang 14 road sections sa tatlong Lungsod sa Kalakhang Maynila ang nakatakdang kumpunihin simula alas-11 ng gabi, kagabi, nitong Biyernes, Agosto 26.

Sa advisory na ipinalabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nagpaalala ito na ang pagkukumpuni ang magiging dahilan ng “significant delays” para sa mga byahero sa panahon ng long weekend, partikular na sa mga Lungsod ng Quezon, Makati, at Pasig.

“Lane reductions for road rehabilitation activities will continue on the following four segments along the Epifanio de los Santos Avenue (Edsa) northbound: Santolan Metro Rail Transit (MRT) Station, bus lane; after P. Tuazon flyover to Aurora Tunnel, 3rd lane from the center island (fast lane); after Aurora Boulevard to New York Street, 3rd lane from center island (intermittent section); and after Kamuning Road and Kamias Road to JAC Liner Bus Station, beside the center island in Quezon City,” ayon sa DPWH

Ang mga apektadong lanes sa kahabaan ng Edsa southbound ay sa harap ng GMA Network Center, U-turn slot service road; Kamuning Road intersection, 3rd block service road; sa harap ng Kamuning Police Station 10, 2nd block service road; at mula Balingasa Creek patungong Oliveros Footbridge, sa Quezon City.

Ang iba pang apektadong QC road sections ay Fairview Avenue southbound, mula Fleur de Lis Street patungo sa Labayane Street, 1st lane mula sa center island; Cloverleaf northbound, mula Edsa patungong North Luzon Expressway (NLEX) segment, outer lane, at Roosevelt Avenue malapit sa Edsa, outer lane.

Sa C-5, apektado rin ang service road sa harap ng Global Oil Gas Station sa Pasig City, road portion corner CP Garcia Avenue pagkatapos ng intersection, 2nd block mula sa center island sa Quezon City.

Ang southbound second lane sa Makati City ay isasara rin para sa re-blocking.

Hinihikayat naman ang mga motorista na gamitin ang alternatibong ruta habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Ang lahat ng apektadong daan ay muling bubuksan ng alas-5 ng umaga sa Agosto 30. Kris Jose