Road closure, traffic rerouting sa Bar exams inanunsyo ng Makati City

Road closure, traffic rerouting sa Bar exams inanunsyo ng Makati City

January 27, 2022 @ 5:41 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Makati City government ang road closure at traffic rerouting para sa isasagawang Bar examinations.

Sa kalatas, magpatutupad ang Makati Public Safety Department ng road closure sa kahabaan ng J.P. Rizal street extension mula Buting hanggang Lawton Avenue sa Pebrero 4 at 6 mula 4 a.m. hanggang 8 a.m.

“The stretch of J.P. Rizal St. Ext. from Buting to Lawton Ave. is closed to traffic except for vehicles carrying examinees and concerned employees,” lahad ng Makati City local government.

“Only designated loading and unloading areas are available. No parking space is provided.”

Kakailanganin lamang magpresenta ng examinees ng exam permit sa pagpasok ng kanilang service vehicle.

Narito naman ang mga alternatibong ruta para sa:

Mga sasakyang manggagaling sa Buting/ Pateros

  • Dumaan sa Kalayaan Avenue patungong Guadalupe-EDSA o

  • Dumaan sa Lawton Avenue patungong JP Rizal-EDSA

Mga sasakyang manggagaling sa Guadalupe-EDSA

  • Dumaan sa Lawton-Kalayaan Avenue patungong Buting

Sa kalatas ayon kay Justice Associate Marvic Leonen, magsisimula ang pagsusulit mula 1:50 p.m. hanggang 5:50 p.m. sa Pebrero 4. RNT/FGDC