Road projects ipinagpapaliban muna para sa ‘ber’ months

Road projects ipinagpapaliban muna para sa ‘ber’ months

October 7, 2018 @ 9:35 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Pansamantalang hindi bibigyan ng permit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga contractor para sa kanilang road project at ginagawang paghuhukay sa mga kalsada para hindi sila makadagdag ng masikip na daloy ng trapiko ngayong “ber months”.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, pinatawag na nila ang mga contractor, na kung maaari aniya ay ipagpaliban muna  nila ang kanilang mga road project o paghuhukay sa mga kalsada na nasa hurisdiksiyon ng Metro Manila.

Ayon kay Garcia, hindi muna sila bibigyan ng permit at pagbabawalan muna silang maghukay, maliban aniya kung emergency ito.

Pinagsabihan  din ng MMDA ay ang mga contractor sa besinidad ng UST na i-restore muna ang mga hukay sa naturang lugar hanggang sa matapos ang Bar Exam sa Nobyembre 4, 11, 18 at 25 ng taong kasalukuyan.

Dahil tiyak aniyang dadagsa ang mga tao sa lugar at asahan ang matinding trapik.

Pinakiusapan din ng MMDA ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na papayagan lamang silang  mag-rehab ng EDSA   o magsagawa  ng road-reblocking tuwing gabi ng weekend. Beth Dominguez