Road repair ikakasa ng DPWH sa Metro Manila

Road repair ikakasa ng DPWH sa Metro Manila

July 9, 2022 @ 1:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ipinagpatuloy ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking at repair sa kahabaan ng Edsa, C-5 at bahagi ng Quezon City.

Dahil dito, inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta ngayong weekend.

Ang mga kalsada na apektado ng reblocking at repairs hanggang alas-11 ng gabi sa Hulyo 11 ay ang sumusunod:

  • EDSA Guadalupe Makati City SB innermost lane (bus way) mula Bernardino St. patungong Estrella Street;

  • EDSA NB Quezon City kahabaan ng Santolan MRT Station (EDSA Carousel bus lane) pagkatapos ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora tunnel (3rd lane mula sa center island fast lane) pagkatapos ng Aurora Blvd. papuntang New York (3rd lane mula sa isla, intermittent section) pagkatapos ng Kamuning/Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station (sa tabi ng center island);

  • C5 Road Southbound (2nd lane) Makati City;

  • Batasan Road Sinagtala Street hanggang IBP San Mateo Road (2nd lane mula plantbox);

  • Visayas Avenue Southbound Road 10 Elliptical Road (2nd lane mula sa plantbox);

  • Visayas Avenue Northbound Elliptical Road hanggang Central Avenue at malapit sa kanto Congressional Avenue (2nd lane mula sa bangketa);

  • C5 Road Pasig City along Pasig Blvd. Southbound malapit sa Chooks-to-Go Pineda at sa kahabaan ng Doña Julia Vargas sa harap ng Sitel Bldg.; at

  • Along EDSA-Quezon City Southbound (Balingasa Creek to Oliveros Footbridge)

Bubuksan naman ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Hulyo 11 ng alas-5 ng madaling araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden