Road repair ikakasa sa bahagi ng Edsa, C-5, QC roads – DPWH

Road repair ikakasa sa bahagi ng Edsa, C-5, QC roads – DPWH

July 15, 2022 @ 4:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil isasara ang ilang daan sa Metro Manila para sa pagkukumpuni, ayon sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Biyernes.

Sa abiso, sinabi ng DPWH na saklaw ng weekend road repairs ang bahagi ng Edsa, C-5 Road, at ilang daan sa Quezon City. Sisimulan ang repair ng alas-11 ng gabi  ngayong Biyernes. Muling bubuksan ang mga apektadong road sections ng alas-5 ng madaling araw sa Hulyo 18.

Inihayag ni DPWH National Capital Region Director Nomer Canlas na saklaw ng road repair ang mga sumusunod na road segments sa northbound lane gn Edsa:

  • Along Santolan MRT Station, bus lane

  • After P. Tuazon flyover to Aurora Tunnel, 3rd lane from center island (fast lane)

  • After Aurora Boulevard to New York Street, 3rd lane from center island (intermittent section)

  • After Kamuning Road and Kamias Road to JAC Liner Bus Station, beside center island in Quezon City

Gayundin, isasara ang southbound lane, ng Edsa mula sa Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge sa Quezon City.

Samantala, isasara rin ang second lane ng C-5 southbound sa Makati City, base sa DPWH.

Kabilang din sa mga maaapektuhan ng road repair sa Quezon City ang mga sumusunod:

  • Quirino Highway, before Manila North Diversion Road Flyover, 2nd inner lane

  • Cloverleaf going to NLEX northbound; and Cloverleaf going to NLEX southbound

“DPWH advised motorists to take possible alternative routes due to anticipated traffic slowdowns near the construction areas, until the affected road sections are reopened to traffic at 5 a.m. on Monday, July 18,” pahayag ng DPWH. RNT/SA