Road users tax gamitin sa urban elevated walkways, bike lane – solon

Road users tax gamitin sa urban elevated walkways, bike lane – solon

February 27, 2023 @ 4:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Batangas Rep. Ralph Recto na gamitin ang P82 bilyon pondo sa Road Users Tax para ipagawa ng walkway at bike paths.

Ayon kay Recto, kadalasan na naisasantabi sa mga government infrastructure projects ang pagpapagawa ng mga sidewalks at bike lanes subalit ito ay isa sa mahalagang dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

“It is time to elevate wide pedestrian and bike lanes, whether ground-level or elevated, covered or not, to the league of major construction works,” pahayag ni Recto.

Ani Recto, karamihan sa mga bike lanes ay pinagagawa ng Department of Transportation subalit nais nito na ang Department of Public Works and Highways na ang mangasiwa nito.

“At present, safe pathways for people biking or walking are being built by the Department of Transportation. But I think DPWH should get into the act, because these projects fall under its mandate more than it does to DOTR,” giit ni Recto.

Kung magkakaroon ng mga elevated walkways ay mas luluwag ang mga kalsada at marami ang mas maeenganyo na maglakad.

“Mas nanaisin ng mga tao na lakarin na lang ang isa o dalawang kilometro kung ito ay nasa ligtas at may bubong na elevated walkways. Unfortunately, these facilities are not on the government’s spending radar,” dagdag pa nito.

Naniniwala si Recto na hindi lamang dapat imprastrakstura para sa mga sasakyan ang dapat na tutukan ng pamahalaan kundi ang mga walkways upang masiguro ang kaligtasan ng mga pedestrian at mas marami ang mahikayat na magbisiketa.

“If we have skyways for cars, why not raised walkways for people? If we’re building a subway, then we can surely build a pedestrian walkway above ground. If we have the money for multi-lane highways over hundreds of kilometers, how much more for a one-lane walkway that is 3-kilometers long?” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza