Road Warriors pasok na sa semis ng Asia League Super 8

Road Warriors pasok na sa semis ng Asia League Super 8

July 20, 2018 @ 11:10 AM 4 years ago


Macau – Wagi ang Pinoy team sa Asia League Super 8 2018 kontra sa sa Xinjiang Flying Tigers sa Macau East Asian Games Dome

Tinapos ng NLEX Road Warriors ang laro sa iskor na 88-78 para kunin ang 2-1 win-loss record sa preliminaries at pumangalawa sa Group A.

Pinangunahan ni JR Quiñahan sa kanyang 18 points ang laro na sinundan naman ni Kenneth Ighalo sa 17 points.

Sa ngayon ay pasok na sa semis ang Road Warriors.

Samantala, luhaan naman ang Blackwater Elite na natalo ng Seoul Samsung Thunders sa iskor na 78-73. (Remate News Team)