Robbery gang leader, tiklo

Robbery gang leader, tiklo

May 31, 2022 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa karsel humantong ang lider ng isang highway robbery group na pangsiyam sa most wanted persons ng Northern Police District.

 

Armado ng warrant, sinakote ng Valenzuela City Police Station (VCPS) Intelligence Section kasama ang miyembro ng Pasig City Sub- station 7 si Edrian Palisoc y Adan 2:47 p.m. ng Mayo 28 sa F. Legaspi-West River Bank Road, Pasig City.

Ang dinakip ang pinuno ng Edrian Palisoc Highway Robbery Group na kasama sa mga target na criminal gangs ng VCPS sa 1st Quarter ng 2022.

Inisyu ni Hon. Evangeline S. Mendoza – Francisco, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City noong Marso 24,2022 ang warrant of arrest laban kay Palisoc para sa kasong robbery in band. Merly Iral