Robert De Niro, minura si US President Trump

Robert De Niro, minura si US President Trump

June 12, 2018 @ 1:53 PM 4 years ago


Standing ovation ang pasaring ni Robert De Niro laban kay US President Donald Trump sa ginanap na Tony Awards sa New York City.

“I’m gonna say one thing. F**k Trump.” pasabog ng beteranong actor nang tawagin para magtanghal si Bruce Springsteen.

Nagpalakpakan ang mga audience na nagulat din sa sinabi ng aktor.

“It’s no longer down with Trump. It’s f**k Trump.” dagdag pa nito.

Marami ang sumuporta sa ginawa ng actor dahil sa tapang na ipinakita.

Magugunitang isa ang actor sa mga kritiko ni Trump at ng administrasyon nito. (Remate News Team)