Robert Ortega, kinilabutan sa music video ng yumaong si Romano Vasquez!

Robert Ortega, kinilabutan sa music video ng yumaong si Romano Vasquez!

January 25, 2022 @ 1:58 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kabilang sa Friday group ng That’s Entertainment ang yumaong si Romano Vasquez.

Namaalam ang singer-actor nitong January 23 ng gabi, araw ng Linggo.

Kasabayan ni Romano sa noo’y sikat na youth-oriented program na itinatag ni German Moreno ay si Manila City Councilor Robert Ortga.

Kasama rin sina Sharmaine Arnaiz, Tita Paner, Jaypee de Guzman, Shirley Fuentes, among others.

Bale isinusulong noon ang tambalang Shirley-Romano.

‘Di nagtagal, nabuwag ang show at kanya-kanyang landas ang tinahak ng mga miyembro nito.

Ayon sa kuwento ni Robert sa PEP, naging malapit sila ni Romano noon sa isa’t isa, “Medto troubled siya pero harmless naman.”

Nawalan daw sila ng komunikasyon, and the next thing that Robert knew ay nasa direct selling si Romano.

Aniya pa, sinisilip na lang daw niya ang YouTube channel ni Romano.

Sa pagkakataong ito’y inamin ni Robert na kinilabutan siya sa isang music video na mismong si Romano ang nag-cover at nagdirek.

Awitin ‘yon ng bandang Lapis na pinamagatang Kabilang Buhay na in-upload ni Romano noong Janury 24, 2021 or exactly one year ago.

Bale ba, kinunan ang MTV sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Makatindig-balahibo. Ito kung ilarawan ng Konsehal ng Maynila ang music video na ‘yon. Ronnie Carrasco III