Robes couple number one sa survey

Robes couple number one sa survey

May 3, 2022 @ 6:58 PM 2 months ago


Bulacan, Philippines -Bilib at kuntento ang mga mamamayan ng San Jose Del Monte City, Bulacan kina Rep. Rida Robes at Mayor Arthur Robes.

Ito ang lumabas sa isang survey kamakailan kung saan tinanong ang may 800 na taga-San Jose Del Monte tungkol sa “job satisfaction” at “favorability” ng mag-asawang Robes.

Batay sa survey tungkol sa “job satisfaction” o kung nagagampanan ba ng dalawa ang kanilang mga tungkulin, si Rep. Robes ay nakakuha ng 79%.

Lumalabas na walo sa 10 mga taga-San Jose Del Monte ay kuntento sa kanyang trabaho bilang kinatawan ng lungsod sa Kongreso.

Bukod dito, ukol sa “favorability” o pagpabor, si Rep. Robes ay nakakuha ng 85% sa unang distrito at 81%  sa ikalawang distrito, o 83% sa buong lungsod.

Sa kabilang banda, si Mayor Robes naman ay nakakuha ng 86% sa “job satisfaction,” o katumbas ng halos siyam sa 10 mamamayan ay naniniwala na nagagampanan nya ng maayos ang kanyang tungkulin.

Sa “favorability” naman, si Mayor Robes ay nakapagtala ng 89%, o katumbas ng siyam sa 10 mamamayan ng San Jose Del Monte.

Sina Rep. Robes at Mayor Robes ay umani ng papuri dahil sa kanilang mga nagawa upang ang San Jose Del Monte ay maging isa sa progresibong lungsod sa Central Luzon.

Si Rep. Robes ay tumatakbo muli sa eleksiyon bilang kinatawan ng San Jose Del Monte samantalang si Mayor Robes din ay tumatakbo para sa isa pang termino. RNT