Robi, ikakasal na, may pasaring kay Zeinab!

Robi, ikakasal na, may pasaring kay Zeinab!

November 7, 2022 @ 8:21 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – “Wala man akong market, may forever naman ako.”

‘Yan ang naging linya ni Robi Domingo matapos ang naganap na engagement nila ng non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda.

If you guys can still remember, sa pumutok na issue ng vlogger na si Zeinab Harake, nadawit ang pangalan ni Robi kung saan sinabihan itong walang market kaya hindi dapat para sa isang vlog collaboration.

Well, sarcastic siguro si Robi pero tama naman. Wala mang market, at least may lovelife!

Naganap ang proposal ni Robi sa gitna mismo ng Shihuya Crossing in Tokyo, Japan nitong Friday, November 4.

2019 nang maging official sa publiko ang Pinoy Big Brother host at si Maiqui.

Kung matatandaan, malaki ang pasasalamat ni Robi kay Piolo Pascual dahil ito pala ang dahilan ng successful lovestory nila ni Pineda.

Congrats, Robi and Maiqui! Paula Jonabelle Ignacio