Robin at BB, bati na!

Robin at BB, bati na!

December 12, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Pitong taon ding namalagi si BB Gandanghari sa Amerika.

Much as she wanted to come home noong mamatay ang kanyang Kuya Royette Padilla ay ginunita na lang niya ito.

May ilan pang ‘di magagandang alaala si BB of her brother, totoo ang kasabihang: “A family will always be a family no matter what.”

Kaya naman as soon as she arrived recently, ang isa sa mga pinuntahan ni BB ay ang puntod ng kapatid.

Sinamahan siya ng inang si Mommy Eva na wheelchair- bound.

Sa harap ng tombstone ni Royette ay ibinuhos ni BB ang kanyang damdamin.

Napaluha rin siya like any grieving sibling would.

Pero kung may memorable part sa pag-uwi ni BB sa bansa aside from seeing her reunited with Mommy Eva, ‘yun ang inaasahan ngang pagbabati nila ni Senator Robin.

Matatandaang taong 2020 nang isiwalat ni BB sa kanyang vlog ang matinding sama ng loob sa kapatid.

Damay pati ang hipag niyang si Mariel Rodriguez who she thought had abandoned her.

But all’s well that ends well.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni BB ang sabay nilang pagdating sa grand coronation night ng Mutya ng Pilipinas 2022 held in San Juan City nitong December 4.

Kapwa sila lulan ng white Land Cruiser.

Both of them also came in white.

Touching ang hashtag na ipinost ni BB: #SiblingLove.

May caption pa itong: “Proud of you, Senator Robinhood Padilla.”

Siyempre, walang ibang pinakanatutuwa sa pag-aayos nilang magkapatid kundi ang kanilang butihing ina. Ronnie Carrasco III