Robin, dedma sa mga tawag ni Aljur!

Robin, dedma sa mga tawag ni Aljur!

July 8, 2021 @ 6:44 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Hangga’t maaari’y ayaw manghimasok ni Robin Padilla kung may problema mang dapat ayusin ang kanyang anak na si Kylie at manugang na si Aljur Abrenica.

Iniulat namin dito sa Remate Online nitong July 9 na mismong ang action star ang nagkumpirma sa YouTube channel ni Ogie Diaz na hiwalay na sina Kylie at Aljur.

Matatandaang February this year nang may mga cryptic posts si Kylie na nagpapahiwatig na may pinagdaraanan sila ni Aljur.

Until ito na ngang buwang ito, ang inakala ng lahat na balik-normal ang pagsasama ng dalawa’y tuluyan nang humantong sa paghihiwalay.

Kuwento ni Robin, imposible raw na walang third party involed sa parte ni Aljur.

“Tumatawag siya sa akin, ‘di ko sinasagot. Basta minesssge ko lang siya, sabi ko, ayokong magbabangayan kayo sa social media. Nakakahiya ‘yan.”

Ang inaalala lang naman daw ni Robin ay ang kanilang dalawang anak na balang-araw ay mababasa ang mga posts ng kanilang mga magulang, “Ang sa akin din lang, sabi ko, ‘Kung maghihiwalay man kayo, sana maghiwalay kayo bilang magkaibigan. Minahal n’yo naman ang isa’t isa dati, pareho nga kayong nasarapan, ‘di ba?'” Ronnie Carrasco III