Robin, hinikayat na magpa-convert sa Muslim si Aljur!

Robin, hinikayat na magpa-convert sa Muslim si Aljur!

July 12, 2021 @ 6:54 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Aminado si Robin Padilla na pagdating sa pagpapayo kay Kylie Padilla tungkol sa marriage ay kapos siya sa kredibilidad.

Aniya, ang maipapayo lang daw niya kay Kylie na nakipaghiwalay sa asawang si Aljur Abrenica ay ayusin nito ang sarili, “Sabi ko sa kanya, ibalik niya kung sino siya dati. Ibalik niya ‘yung fighting spirit niya. Fighter ‘yan, eh!”

Pero when it comes to mariage  counseling, out daw siya: “Ano’ng maipapayo ko? Eh, kahit kami ng nanay niya, failure! Nasaan ang credibility ko?”

Ang tinutukoy ni Robin ay ang una niyang pinakasalan, si Liezel Sicangco na ngayon ay naka-base na sa Australia kasama ang iba nilang anak.

“Sabi ko nga kay Kylie, ‘Pag-Muslim-in mo na lang ang asawa mo,” dagdag pa ng action star, himself a Muslim.

Sa Islam tradition, maaaring magkaroon ng apat na asawa ang isang lalaking Muslim.

Pero sang-ayon naman daw siya sa pagbubukod ni Kylie at ng dalawa nitong anak, “Pero sana huwag magtagal para maayos nila ang problema nilang mag-asawa.” Ronnie Carrasco III