Robin, kumasa sa snow challenge!

Robin, kumasa sa snow challenge!

January 15, 2023 @ 8:45 AM 3 weeks ago


Tokyo, Japan – In ngayon sa bansang Japan ang tinatawag na ‘snow challenge’ since nasa peak ngayon ng winter doon.

Nasa Japan at nagbakasyon si Sen. Robin Padilla kasama ang kanyang pamilya at hindi na ito nag-atubili na kasahan ang ‘snow challenge’ sa nasabing bansa.

Makikita sa Facebook post ni Robin ang mga larawan ng iba pang Pinoy na sumabak sa ‘snow challenge’ at sa dulo ay ang kanyang video.

“‘Snow challenge’ ni `Tol Leohood. Be nice to me. Mabuhay ang mga mandirigmang Pilipino sa gitna ng niyebe. Mabuhay kayo, mga kababayan,” caption ni Robin.

Sa video ay makikitang topless si Robin at natatakpan lang ng tuwalya ang ibaba ng kanyang katawan. Makikita ring punumpuno ng niyebe ang kanyang paligid kaya siguradong sobrang lamig.

Tila kinaya naman ng bonggang-bongga ni Robin ang challenge kaya bumilib sa kanya ang mga netizens

“Wow, lupit, Idol maginaw dyan,” comment ng isang netizen.

“Wow, nagmistulang Panday ka, Idol, ang galing,” reaction naman ng isa pa niyang fan.

Ang ‘snow challenge’ sa Japan ay ginagawa every year ng mga tao naninirahan sa nasabing bansa. Babae man o lalaki ay puwede kumasa. Gerry Ocampo