Robin, nagkaproblema sa puso, maayos na ang lagay!

Robin, nagkaproblema sa puso, maayos na ang lagay!

October 2, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – “We had a successful heart procedure.”

Bahagi ng caption ni Mariel Padilla as she shared a video compilation of her husband Senator Robin hood Padilla bedridden in a hospital.

Makikita rin sa Instagram post ng host ang cute clips ng anak nilang sina Gabriella at Isabella wishing their dad’s fast recovery.

Wala namang binanggit si Mariel kung ano mismo ang sakit ni Robin pero sinigurado nitong okay ang asawa.

Nagpasalamat pa nga si Mariel sa mga doctor, nurse, at staff na tumulong sa asawa nito habang nasa ospital.

“It’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers,” pagpapatuloy nito sa caption.

Inulan naman ng prayers at mensahe ang mag-asawa sa comments section.

Marami rin ang nagulat dahil kung hindi nagpost si Mariel, walang nakaalam na may pinagdaanan pala sa kalusugan ang senador.

Get well soon, Senator Robinhood! Paula Jonabelle Ignacio