Robin, nakiusap sa mga bashers ni Kris!

Robin, nakiusap sa mga bashers ni Kris!

January 15, 2022 @ 11:19 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Minsan, isang panahon ding naugnay si Robin Padilla kay Kris Aquino, ito ‘yung panahong bago dumating si Phillip Salvador sa buhay nito.

Bagama’t hindi sila nagkatuluyan, nananatiling magkaibigan sina Robin at Kris.

Proof ay ang post ng action star sa kanyang Facebook account nitong January 14.

Robin began his post with, “Bismillah” addressed sa kanyang mga mahal na kababayan.

Aniya, worried siya para kay Kris bilang kaibigan, katrabaho sa industriya at Pilipino.

Patungkol ‘yon sa mga bashers ni Kris na aniya’y hindi naman bulag para hindi malaman ang pinagdadaanan ni Kris as far as her health condition is concerned.

Nakikiusap si Robin na sana’y bigyan ng kapayapaan si Kris at moral support. Isantabi raw muna ang relihiyon o political affiliation.

Samantala, sana’y ma-grant na ang hiling ni Kris na magpagamot sa ibang bansa. Kasalukuyan niyang inaayos ang kanyang mga travel documents.

Kapansin-pansin kasi ang drastic weight loss ni Kris. Ronnie Carrasco III