Robin, rumesbak sa mga kritiko ng administrasyon

Robin, rumesbak sa mga kritiko ng administrasyon

August 3, 2020 @ 3:18 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isang kilalang DDS ang actor na si Robin Padilla.

Muli na naman niyang ginaluntang ang socmed sa kanyang pahayag tungkol sa mga kritiko ng administrasyon sa gitna ng pandemya.

Aniya, sa halip daw na batikusin ng ating mga kababayan ang gobyerno, makipagtulungan na lang daw ito at kumilos para makatulong sa paglutas ng pandemya sa bansa.

Hinimok din niya ang lahat na maging ‘reservist’ para mapaglingkuran ang bansa.

Ito ang teksto ng kanyang pahayag:

“We are at war my dearest Countrymen. Napakarami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa rin natatanggap ang katotohanan na ang Inangbayan Pilipinas ay nasa Gitna ng Digmaan Pandaigdig laban sa covid 19 habang Hindi pa tayo nakakaangat sa laban sa kahirapan dulot ng mga mapagsamantalang mga negosyante at mga korup sa gobyerno. “laban sa mga mananakop ng ating mga isla at ngayon laban sa mga maiingay sa lipunan na kapapanganak lang sa usapin ng pagka rebolusyonaryo ay naghahamon na ng kagulohan. Hindi ko na talaga batid kung san hindi magkaintindihan ang mga Pilipino. “Ramdam na natin lahat sa ating mga tahanan ang unti unting pagkalimas ng ating mga savings at hindi ito problema lang natin buong mundo ang suliranin na ito “kayat imbes na mabuhay at magising ka araw araw sa pagrereklamo at kakabatikos ABAY kumilos ka para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng Inangbayan. “Hindi ito ang oras ng pamumulitika! Ito ang oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay mo. Isaksak niyo sa baga niyo at puso niyo na ang pinag uusapan ngayon at ang nakataya ngayon ay ang SURVIVAL ng ating LAHI at INANGBAYAN PILIPINAS. Join the Reservist ‘Ask not what your country can do for you – ask what you can do for your country.” Archie Liao


  •  
  •  
  •  

Loading...