50kg rice subsidy sa mahihirap na pamilya, ibigay – solon

June 26, 2022 @4:50 PM
Views:
5
MANILA, Philippines – Inihihirit ng isang party-list representative ang pagbibigay ng rice subsidy na 10 hanggang 50 kilo para sa mga mahihirap hanggang sa middle-income households dahil ang pagbaba ng halaga ng piso ay maaaring humantong sa mas mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo at pangkalahatang inflation.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera na tataas pa ang presyo ng lokal na petrolyo dahil nangangailangan ngayon ng mas maraming piso ang pag-angkat ng langis ng ibang bansa.
“All the economic agencies must prepare for another surge of inflation because of the weakening of the peso. Hopefully, the weakening is only temporary like when the forex (foreign exchange) was at PHP54 to USD1.00 in September to October 2018,” ani Herrera. “Economic forecasts indicate we will have high inflation for many more months until the inflation pressures have subsided.”
Noong nakaraang Biyernes, ang piso ay lalong bumaba sa 54.985 kontra dolyar.
Bukod sa rice subsidies, sinabi ni Herrera na dapat magkaroon ng karagdagang subsidies para sa rice farmers, fisherfolk, livestock raisers, at vegetable growers, lalo na ang fuel subsidies at inputs sa production, processing, postharvest, warehousing, transport, at marketing.
Ibinabala rin ni Herrera ang pagtaas ng presyo sa mga singil sa kuryente, tubig, at telecoms dahil sa mga karagdagang gastos sa pagsasaayos ng foreign exchange.
“Most important now is to keep food and utility prices low or stable. Rice, corn, wheat, sugar, and corn supplies must be enough to meet the consumption needs of households and production needs of animal feeds makers and livestock raisers,” giit pa niya.
Hinimok din ni Herrera ang Energy Regulatory Commission, wholesale electricity spot market, at water regulatory agencies na magdesisyon sa anumang nakabinbing petisyon at kaso na may kinalaman sa mga refund at rebate. RNT
P124M puslit na agri products, nasabat ng Customs

June 26, 2022 @4:36 PM
Views:
11
MANILA, Philippines – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P124 milyon halaga ng mga misdeclared agricultural products na nagmula sa bansang China sa isinagawang inspeksyon nitong nakaraang linggo.
Nabatid sa BOC na ang dalawang kargamento ay naka-consigned sa Daniry Consumer Goods Trading na may halagang P75 milyon at Jeroce Consumer Goods Trading na may halagang P49 milyon.
Napag-alaman sa BOC na idineklara ng Dairy na ang kanilang kargamento ay naglalaman ng mga sahog sa “hotpot” na ang karaniwan ay mga seafood at pork meat habang ang Jeroce naman ay idineklarang “steamed buns” ang kanilang ipapasok na mga produkto.
Ayon sa Custom Intelligence Group and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), nakatanggap sila ng impormasyon na may mga iligal na kargamento ang mga nasabing consignee at may suspetsa na may mga karga ang mga ito na misdeclared agricultural products kaya’t hiniling nila na isailalim ito sa 100 percent examination.
Dahil dito, nadiskubre ng BOC ang mga kargang frozen whole duck, chicken thigh at duck upper leg ng Daniry Consumer Goods Trading habang nadiskubre naman sa mga kargamento ng on Jeroce ang mga frozen chicken at pork products.
Dahil dito, inisyuhan ng MICP ng Warrant of Seizure and Detention orders at maghahain sila anti-smuggling cases sa mga consignee dahil sa paglabas sa Customs Modernization and Tariff Act at iba pang may kaugnayang batas at regulasyon nito. Jay Reyes
PBBM, pamilya naghahanda na sa pag-assume sa opisina

June 26, 2022 @4:23 PM
Views:
12
MANILA, Philippines – Sinabi ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya at ang kanyang pamilya ay naghahanda na at nasa proseso na ng paglipat upang maging Unang Pamilya.
Sa isang video na ipinost sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos na bukod sa kanyang sarili, ang kanyang asawang si Liza at ang kanyang mga anak na sina Sandro, Simon, at Vinny ay pawang nag-a-adjust sa kanilang mga paparating na bagong buhay bilang miyembro ng presidential family.
Si Liza, ani Marcos, ay kailangang pansamantalang isuko ang kanyang posisyon sa kanyang law firm na M & Associates, na kanyang itinatag.
“Malungkot, dahil ito’y alam ko, nakita ko, pinaghirapan niya… talagang binuhos niya ang kanyang sarili dito, ang galing dito. From nothing, nagkaroon ng magandang law firm,” aniya na pinatutungkulan ang kanyang asawa.
“Wala tayong magagawa dahil siya ay magiging First Lady at kailangan niyang bitawan ang kanilang interes sa kanilang law firm,” dagdag pa ng president-elect.
Inihahanda na rin ng panganay na anak ni Marcos na si Sandro ang kanyang bagong opisina para sa kanyang trabaho bilang kinatawan ng Ilocos Norte.
“Iyong dalawa ko pang anak, dahan-dahang nasasanay dahil marami silang bigla na security. Panay nga reklamo. Pero wala tayong magagawa, ganoon talaga ‘pag ikaw ay naging anak ng presidente,” dagdag pa ni Marcos Jr.
Samantala, sa kanyang vlog, pinasalamatan din ni Marcos si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-alis sa pwesto sa Huwebes, Hunyo 30.
“Kasama na rin ako… na magpaparating ng aking pagsaludo at pasasalamat sa kanilang makasaysayang pamumuno,” anang president-elect. RNT
Byaheng San Pablo-Lucena ng PNR, bukas na ulit!

June 26, 2022 @4:10 PM
Views:
17
MANILA, Philippines – Bukas na muli sa mga commuter ang byaheng San Pablo, Laguna at Lucena, Quezon ng Philippine National Railways ngayong Linggo.
“Starting Sunday, 26 June 2022, the said PNR line will once again serve passengers going to and from Laguna and Quezon. It can serve up to 3,683 passengers at any given time,” anang DOTr.
Noong Oktubre 2013, inihinto ang byahe ng nasabing linya ng San Pablo-Lucena matapos ang pagbagsak ng sumusuportang istruktura nito.
Sinabi ng DOTr na ang muling pagbubukas ng linya ng San Pablo-Lucena ay mahalaga sa pagpapanumbalik ng linya ng PNR Bicol, na nag-uugnay sa Metro Manila sa mga lalawigan sa timog, kabilang ang Laguna, Quezon, Camarines Sur, at Sorsogon.
Ang nasabing linya kapag binuksan sa publiko ay nagbabawas ng 30 minuto sa byahe.
Mayroon itong dalawang pangunahing istasyon at apat na flag stop, dagdag ng DOTr. RNT
Monkeypox wala pa sa Pinas

June 26, 2022 @3:57 PM
Views:
15