Robin, todo-suporta sa localized peace talks

Robin, todo-suporta sa localized peace talks

July 18, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- “Ang issue ng rebelyon, local. Hindi po yan international.”

Ito ang iginiit ni Senador Robinhood “Robin” Padilla sa pagsuporta sa localized na usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista.

Pabor din si Padilla sa pag-institutionalize ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

“Sa usapang pupunta pa ang gobyerno ng Pilipinas sa ibang bansa at doon tayo mag-peace talks, nagawa na po namin yan at walang nangyari. Para sa akin hndi na dapat ito. Pwede siguro ang localized peace talks kasi nagawa na natin at successful,” ani Padilla sa panayam.

“Nagawa natin ang international, may pumupunta at may namamagitan. Pero gastos lang po yan, huwag na po yan,” dagdag ng mambabatas.

Dagdag ni Padilla, maganda ang programa ng NTF-ELCAC na maghatid ng development project sa mga lugar kung saan nawala na ang impluwensya ng New People’s Army (NPA).

Iginiit ng mambabatas na ang localized peace talks ay “napatunayan na effective” dahil “witness ako dyan.”

“Ang NTF-ELCAC naging mukha tayo niyan noong tayo nasa Ph Army. Naging mukha tayo niyan nang tayo pumupunta sa malalayong lugar, nakikipagusap tayo ay nag-welcome sa mga nag-surrender. Ito pabor ako rito. Isa ito sa mga programa ng gobyerno na napakaganda,” aniya. Ernie Reyes