Robonurse ng Taguig, ligtas para sa mga pasyente ng COVID-19

Robonurse ng Taguig, ligtas para sa mga pasyente ng COVID-19

September 11, 2020 @ 1:39 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ng isang eksperto na hindi magkakamali, hindi papalya, at ligtas para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 na seserbisyuhan ng robonurse ng Taguig.

Ayon kay doctor Jun Sy epidemiology surveillance Unit ng Taguig City Government naipamalas ng robonurse ang accuracy nito sa kanyang tungkulin sa isinagawang demonstrasyon.

Ayon pa sa doktor na sa pamamagitan ng Robonurse ay maliligtas din sa COVID-19 ang mga health personnel na nag-aalaga sa mga COVID patients sa quarantine facility ng lugsod.

Bukod sa serbisyon nito ay maari rin umanong makausap ng mga pasyente ang robonurse na magbibigay ng mga gamot. Ituturo rin nito ang pag-inom ng gamot sa mga pasyente.

Ang Lakeshore Hotel Mega Quarantine facilitiy kung saan nakalagak ang robonurse ay kaya umanong mag-accommodate ng hanggang 500 pasyente.

Sa ngayon ay nag nagdedevelop pa ang Taguig City Government ng karagdagang Robonurse na gawa ng high school students ng Senator Rene Compañero Cayetano Memorial Science And Technology. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...