Robotic na basurahan, imbensyon ng dalawang estudyante

Robotic na basurahan, imbensyon ng dalawang estudyante

August 5, 2018 @ 4:15 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Isa ka ba sa mga taong ayaw na ayaw hawakan ang takip ng basurahan? Marumi kasi at puno ng mga bacteria ‘di ba?

‘Wag kang mag-alala dahil nakagawa ng sagot d’yan ang dalawang estudyante na tinatawag nilang ‘Collectibots’, isang robotic na basurahan na kusang nagbubukas ng takip kapag may na-detect na movement sa sensor nito.

Hindi mo na kailangan hawakan pa ang takip kaya’t goodbye na talaga sa mga germs.

“Advantage po nito parang mapre-prevent namin iyong mga infection. Kasi sa mga traditional na basurahan, hinahawakan pa. Nakita namin itong parang isang flaw ng traditional na basurahan,” sabi ni Jose Pocholo Dorongon, isa sa mga imbentor ng robot.

Kapag napuno naman ang mga trash bin, made-detect ito sa pamamagitan ng bluetooth ng isang maliit na truck, na siya namang kokolekta ng laman ng bin para dalhin sa malaking lalagyan ng basura.

Ang ‘Collectibots’ ay bunga ng kagustuhan ng dalawa na makatulong sa kapaligiran at maisaayos ang mga kalat sa paligid.

Bukod pa rito, gusto rin ni Hans Filomeno Olaño III, isa rin imbentor, na makatulong upang hindi na maaksaya ang oras ng mga tao sa pagtapon ng basura.

“Yong pagtapon ng basura is mabigay na natin sa robot,” sabi pa niya. Remate News Team