Robredo ‘di pabor sa pagtatanggal ng licensure exams

Robredo ‘di pabor sa pagtatanggal ng licensure exams

July 12, 2021 @ 7:24 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi siya pabor sa pagtatanggal ng licensure exams na inilatag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ni Robredo, dapat ma-overhaul ang buong sistema ng edukasyon kung tatanggalin ang board exam.

“Ang exams hindi naman ito ‘yong walang purpose. Ang purpose nito ay para i-test kung pumasa ka sa standards ng profession mo. Hindi siya puwedeng tatanggalin.”

“Halimbawa, ayaw mo na magkaroon ng professional exams later on, kailangang i-overhaul mo ang buong education system na nagpo-produce noon,” dagdag pa ng bise.

Maaalalang inilatag ni Bello na pag-aralang tanggalin ang licensure exam ng mga estudyante dahil sa dagdag gastos ito. RNT/FGDC