Robredo itinangging nagsama ng photographer sa pagbisita kay Tulfo

Robredo itinangging nagsama ng photographer sa pagbisita kay Tulfo

August 30, 2022 @ 2:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinabulaanan ni dating Vice President Leni Robredo nitong Martes ang usapan sa social media na angdala siya ng photographer at hindi nagtakda ng appointment fsa kanyang pagbisita kamakailan kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo. 

Ayon sa kanyang reply sa mga tweet sa pakikipagkita kay Tulfo, sinabi ni Robredo na nagpadala ng formal letter of request ang kanyang team sa kanyang pagbisita at itinakda ito ng opisina ng DSWD chief noong Agosto 26.

“The truth: We wrote a formal letter addressed to Secretary Tulfo requesting for a courtesy visit. The OSEC staff got in touch with us and gave us a schedule. I went with Angat Buhay (Executive Director) Raffy Magno. Not one photographer from us,” tweet ni Robredo. 

 Ito ang naging komento niya nang mag-trend ang“Leni” sa Twitter nitong Martes ng umaga.

Idinagdag ni Robredo, na kasalukuyang namumuno sa kanyang non-government organization na Angat Buhay, na hindi galing sa kanyang team ang mga larawan ng kanyang pagbisita.

“The only photographer present was the DSWD photographer. We just shared Sec Erwin Tulfo’s facebook post. Stop spreading fake news,” paglilinaw niya.

Nauna nang inihayag ni Robredo na nakipagkita siya kay Tulfo “to present the programs of Angat Buhay and to explore possible areas of collaboration.” 

Sa hiwalay na post sa isa sa kanyang Facebook pages na The Robredos, iginiit ng former vice president underscored ang kahalagahan ng pagharap sa pekeng impormasyon, partikular na sa social media. 

“Disinformation has played a big role in changing the political landscape all around the world, including in elections. While this problem grows at a rapid pace, we find hope as efforts are made to address this issue as an existential threat to democracy, public accountability, and people’s participation in governance,” pahayag ni Robredo. RNT/SA