Robredo: Mga salarin sa ‘Bloody Sunday,’ Calbayog City shootout dakpin

Robredo: Mga salarin sa ‘Bloody Sunday,’ Calbayog City shootout dakpin

March 15, 2021 @ 9:54 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ng hustisya para sa mga biktima ng Calabarzon raid at Calbayog City shootout su Vice President Leni Robredo.

“Sana ang imbestigasyon ay maging fair. Kung sino man iyong na-find out na nagkasala ay ma-penalize kasi ang nakataya rito yung integrity noong mga institusyon,” ani Robredo sa radio show nito.

Nitong Marso 7 naganap ang madugong operasyon ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa Calabarzon kung saan siyam na aktibista ang namatay.

Ayon sa pulisya, nanlaban ang mga biktima habang nag-iisyu ng search warrant at narekober sa mga ito ang mga baril at pampasabog.

Nagkaroon naman ng barilan sa pagitan ng tauhan ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at mga pulis kung saan lima ang nasawi.

Sinabi naman ng mga pulis na unang nagpaputok ang kampo ni Aquino na pinabulaanan ng pamilya ng alkalde. RNT/ELM