Robredo spox: Kapit lang, nandito kami

Robredo spox: Kapit lang, nandito kami

May 10, 2022 @ 2:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng kampo ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo nitong Martes na hinahanap nito ang “best way forward” matapos ang Halalan 2022.

“Marami sa atin malungkot. Iba galit. Ilan nawawalan ng pag-asa. Ramdam din namin yan. Ramdam namin kayo. We are trying to find the best path forward,” ani Ibarra Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo.

“Pakiusap lang: konting pasensiya. We will release updates within the day. Kapit lang. Nandito kami,” dagdag niya.

Nauna nang sabihin ni Robredo na walang nasayang na pagsisikap sa kanyang 2022 presidential campaign na nakadepende sa volunteer supporters na nagbahagi ng sarili nilang resources.

“Walang nasayang. Hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga: Hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo. May landas na nagbukas, at hindi ito sasara kasabay ng mga presinto,” ani Robredo.

“May kilusang isinilang, at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng bilangan. Ang namulat, hindi na muling mapipikit. Hindi natin kailanman hahayaang makatulog muli ang pag-asang nagising,” dagdag niya. RNT/SA