Rocco Nacino, mas priority ang halaman sa kasal!

Rocco Nacino, mas priority ang halaman sa kasal!

October 29, 2020 @ 9:09 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Tatlong taon na ang relasyon nina Rocco Nacino at ng kasintahang si Melissa Gohing, and still going strong.

Lalo pa silang naging close dahil kapwa nila nadiskubre na mga plantita at plantito pala sila. Pareho silang mahilig sa paghahalaman lalo na ngayong may pandemya.

At kung bibisitahin ang pinagagawang bahay sa Antipolo City ng Kapuso actor   ay mapapansin na puno ito ng mga halaman sa paligid, na binili at inipon ng dalawa.

Bukod dito ay personal na inasikaso ni Melissa ang landscaping ng bagong tahanan ng boypren.

Bagay naman sila at nasa hustong edad na rin kaya ang tanong, kailan kaya yayayain ni Rocco ng kasal ang gf?

“Mag-ipon ulit. Tapos we’ll see how it goes.

“Ang maganda ngayon, may bago kaming ka-bonding which are plants. Mag-aalaga kami ng plants. Malaki ang tulong nito sa relationship namin,” say ni Rocco.

And speaking of Rocco, mukhang lucky siya na naipalabas ang kanyang mga projects sa international platform tulad ng Netflix.

Katatapos lang mag-trending ng movie niya na ‘Write About Love’ pero may kasunod agad na project na ipalalabas din sa Netflix, ang Philippine adaptation ng Koreanobela na  ‘Descendants of the Sun.’ Wally Peralta


  •  
  •  
  •  

Loading...