Rocco, uminit ang ulo sa pumutok na water bag ng misis!

Rocco, uminit ang ulo sa pumutok na water bag ng misis!

October 14, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Rocco Nacino is human after all.

Hindi itinanggi ni Rocco na magkahalong init ng ulo at pagod ang kanyang naramdaman habang inaalalayan ang kanyang manganganak nang misis kamakailan.

Rocco’s wife Melissa Gohing gave birth to their healthy firstborn who they named Ezren Raffaello o Baby EZ for short.

Ayon sa Kapuso actor, inaasahan nilang normal ang magiging delivery ni Melissa pero pumutok ang water bag o panubigan nito a day earlier.

Dahil dito, Melissa gave birth via caesarian section.

Bale ba, papunta raw silang mag-asawa sa isang family gathering.

Because of the unexpected turn of events ay uminit ang ulo ni Rocco.

Nahihirapan daw kasing humakbang si Melissa.

But upon seeing their baby, napalis daw ang pagod at init ng ulo niya.

Sa ngayon, daddy na’y nurse pa ang peg ni Rocco na nag-aalaga sa kanyang mag-ina.

Double time nga ang ginagawang pagtutok ni Rocco sa mga ito dahil hindi naman daw niya maaaring pabayaan ang nakaabang na trabaho.

Pretty soon kasi ay ipakikilala na ang karakter niya sa GMA primetime show na Maria Clara at Ibarra.

Rocco plays Elias, a character plucked from Jose Rizal’s Noli Me Tangere.

Ani Rocco, “Ise-settle ko lang ang aking mag- ina at lalarga na ako. Abangan n’yo ang paglabas ni Elias.”

Hindi pa binabanggit ni Rocco kung kailan ang binyag kay Baby EZ.

Pero for sure, isa sa mga tatayong ninong ng bata ay si Dingdong Dantes na nakatrabaho ni Rocco sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun. Ronnie Carrasco III