Rochelle, worried sa kaligtasan ng asawa!

Rochelle, worried sa kaligtasan ng asawa!

August 5, 2022 @ 1:15 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Pumayag mang mag- motorbike ang asawang si Art Solinap ay hindi ito 100% suportado ni Rochelle Pangilinan.

Aware ang dating miyembro ng Sex Bomb Dancers na nasa peligro ang sinumang nahihilig sa motor.

Emote ni Rochelle sa kanyang soc med  post, “Alam mo naman kung gaano ka namin kamahal ni Shiloh.”

Ang Shiloh na tinutukoy ng Lolong star ay ang kanilang supling.

Dagdag niya, kahit daw katiting na galos ay ayaw niyang magkaroon si Art.

Albeit realizing the risk factor in motorbiking, hindi napigilan ni Rochelle na i-post ang larawan ng mister sakay ng motor at kumpleto sa gear.

Aniya, “Ang guwapo mo!”

Hinaluan pa niya to ng biro, “Wolverine, ikaw ba ‘yan, Arthur Solinap?!”

Pero hindi nakakaligtaan ni Rochelle na laging magbilin sa mister bago umalis ng bahay, “Be carefuuuuul.’

Samantala, nasa peligro naman ang buhay ni Rochelle na gumaganap bilang Carina sa primetime series na Lolong ng GMA.

Hawak na kasi siya ng mag-asawang Banson na tumutugis kay Lolong played by Ruru Madrid. Ronnie Carrasco III