Rock star Liam, hinagisan ng patay na isda sa stage!

Rock star Liam, hinagisan ng patay na isda sa stage!

August 1, 2018 @ 8:33 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Natural na sa mga gig ang mga fans na naghahagis ng mga bulaklak, t-shirts at iba pa, pero ‘wag ka! Sa kamakailang gig ng rock star na si Liam Gallagher, kakaiba ang inihagis sa kaniya… PATAY NA ISDA!

Oo, sino nga ba ang magdadala ng patay at mabahong isda sa isang gig ‘di ba? Hindi naman ito umepekto sa dating miyembro ng Oasis dahil mayroon daw mas grabe pa rito.

“Which d**khead threw the fish here then?” tanong ni Gallagher matapos niyang itigil ang kaniyang set sa kamakailangang Benicassim music fest sa Spain.

“F**king stinky, smelly fish, man. Now, listen… it really ain’t that f**king bad. Don’t be throwing fish on stage, mate. I have seen a lot worse… Alright?”

“I can’t be f**king singing while there’s a fish there, man,” dagdag pa ni Gallagher.

Kamakailan ay nagpahayag ang rockstar ng kaniyang kagustuhang magkaroon ng reunion ang Oasis, ngunit tila hindi ito pinansin ng kaniyang kapatid at dating band mate na si Noel Gallagher.

“…Let’s get the big O (Oasis) back together and stop f**king about. The drinks are on me,” ayon sa kaniyang Twitter post. Ngunit ng hindi siya pansinin sinabi niya, “I’ll take that as a no, then.” Remate News Team