Rockets lagapak vs Nuggets

Rockets lagapak vs Nuggets

January 2, 2022 @ 1:12 PM 8 months ago


HOUSTON — Umiskor si Nikola Jokic ng 24 puntos at si Facundo Campazzo ay umambag ng career-high na 22 nang kontrolin ng Denver Nuggets 2nd  quarter para sa 124-111 panalo laban sa Houston Rockets.

Naglaro ang Nuggets matapaos maunsiyame ang laro nila noong Biyernes kontra sa Golden State noong Huwebes dahil wala silang sapat na manlalaro na magagamit bundos ng injury at health and safety protocols.

Naitala ng Denver ang kanilang ikatlong sunod na panalo habang nalugmok naman ang Housto sa ikapitong diretsog pagkatalo.

Apat na manlalaro ng Denver ang hindi nakalaro noong Sabado dahil sa mga isyu sa COVID at wala rin si coach Michael Malone matapos pumasok sa health at safety protocols noong Biyernes..

Nanguna ang Houston ng hanggang 11 puntos sa unang quarter bago umiskor ang Nuggets ng season-high na 47 puntos sa 2nd canto na nagbigay sa kanila ng pinakamaraming puntos sa kalahati nitong season at 77-55 na abante sa halftime.

Nanguna si Campazzo para sa Denver sa 2nd quarter matapos umiskor ng 10 puntos at season-high na 12 assists sa loob ng 34 minuto.

Bumida naman  para sa Houston si Jallen Green na may 29 puntos.

 “We just need to do better as far as sustaining our play,” ayon kay coach Stephen Silas. “Nagsimula kami nang maayos, pero kinakapos sa huli. “

“Mayroon akong ilang mga hinihingi ng grupong ito hanggang sa paglalaro nang husto,” ani Silas. “Ang paggawa ng mga pagkakamali ay iba kaysa sa hindi pagbibigay ng pagsisikap, at hindi ako masaya sa pagsisikap.”

Pinapirma ng Denver sina Rayjon Tucker, Carlik Jones at Davon Reed sa 10 araw na kontrata para punan ang roster.JC